Kakulangan sa Nutrisyon
Kakulangan sa Nutrisiyon Isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ng sustansiya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansiya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami, uri o kalidad ng sustansiya ng sinasabing malusog na pagkain ay hindi kinakain sa mahabang panahon. Makapagbubunga ng kagutuman ang isang mahabang panahon ng malnutrisyon. Ang kakulangan sa nutrisyonay bilang kawalan ng sapat ng sustansiya upang mapanatili ang malusog ng katawan ay karaniwang kalakip ng lubhang kahirapan sa mga bansang umuunlad habang ang malnutrisyon na bunga ng maling pagkain, sobrang pagkain o kakulangan ng isang balanseng pagkain ay masusumpungan sa mga bansang maunlad. Karaniwang, ang mga malnoris na tao ay walang sapa